Saturday, April 4, 2009

SHAIDER (uno)

ABC5 . .after ng shaider, si sailormoon na.

Isang mahiwagang tao si shaider. .siya ang dahilan sa pagbagsak ni sailor Jupiter!

Tahimik na nakikipagsapalaran si sailor Jupiter sa intramuros manila. .Sa hukbo nila, si Sailor Jupiter ay hindi matagong mamangha sa kalakasan ng dating ni Shaider.
Si shaider ay isang makisig na lalake na hinaharap ang mundo kasama ang motor niya. Si shaider ay tahimik at misteryoso, di tulad ng iba niyang katropa na pala-tawa at agaw attention sa mga pagpupulong na ginaganap.

Napag pasiyahan ng kanilang pinuno na ayusin sila ayon sakanilang categorya. Nagkatabi si Sailor Jupiter at si Shaider dahil sa pagbabagong na nagyari. Nalayo si shaider sa mga katropa niya. Hndi naging madali para kay Jupiter ang mga katabi si Shaider bawat araw. Dahil dun lagi rin lumilipat si shaider ng upuan para makatbi ang mga katropa niya.

Lagi nang late kung pumasok si sailor Jupiter dahil hindi siya comportableng umupo katabi ni shaider. Likas na kay sailor Jupiter ang mapang hinaan ng loob lalo nat napaka lakas ng aura na taglay ni shaider. May 3 lingo na rin silang makatabi ay hndi pa rin sila nag kikibuan.

Hangang ng isang araw, late nanaman si Sailor Jupiter.

May ipinag-uutos ang kanilang pinuno at kailangan lahat ng miyembro ay makatapos ng maaga. Bago palang pumasok ng pintuan si Sailor Jupiter ay sabay bukas ng pintuan papalabas si Shaider..

“May pinag-uutos. . , ako na lang ang gagawa para sayo”

Yun ang unang linya na narinig niya sakanya. Ni hindi pa lubos maka paniwala si Jupiter sa pangyayari. .

corny man pero hndi talaga nakasagot si jupiter. Nakakatakot siya at hndi pala ngiti
yun na nga ang dahilan kung bakit mahirap siyang kausapin.


pagkabalik niya ay dala dala na niya ang mga kaka-ilanganin ni jupiter sa kanyang gagawin.
"i havent forgotten"
it's you and the rest

1 comment:

  1. HINDI KO ALAM KUNG SAAN MAGKOCOMMENT DAHIL WALA KANG CBOX. hahahaha. kaya dito na lang..

    baket nasa ibabaw ung playlist mo? LMAO.

    ReplyDelete