Sunday, May 24, 2009

shining STAR. .




The way you look at me


The way you touch me


The fire in your eyes


Makes me sweat


Makes me shiver inside


There's nothing I can do about it


Cause nothing seems so true When I'm beside you


And I dream of nothing


Now just hold my hand


Naked, perfect, so beautiful


You turn me up and down


I'm spinning round and round


You never get enough oh boy. .
















You're my shining star




You're my soulmate


my summer and my faith


You fill me up with love


Your kisses are better than wine


There's nothing I want more than you boy!

Sunday, May 10, 2009

TANGING INA KO!

last monday, nanonood ako ng sis
asa bus ako
1 week tribute for moms
guest si momy pia magalona and sam,glaiza and mom and nakalimutan ko yung isang mag mom
. . mejo nakakahiya ako kasi iyak ako ng iyak while watching
natatkot na nga sakin yung katabi kong nursing student eh
natulo pa yung sipon ko
tapos tinawagan ko si mama
pero hndi niya napanood
dapat tlga ipapa-panood ko nlang siya kay mama as gift ko for mothers day
pero wala siya sa pinoy tv or youtube
so ito nga. . nabuo ang mahaba kong letter para kay ina

You know us much as we know ourselves
You know what panties I love to wear. .
What breakfast I want . .
You are more aware of my schedule
You make breakfast for my friends
You boils me water so I wont catch colds when I use tap water
You’ve been a mom for 5 kids. .
You do all this for your 5 kids
You memorize 5 schedule. . .plus dads' schedule
And you tend to our needs equally. .
Even if it means you have to stretch your bones up to its limit just to serve us all
You gave up your dreams just to be with your mga “mala-dyosang" anak!

I love how you look when you’re wearing swimsuit when were out on a trip!
Not all moms can wear swimsuit on public!
I feel proud knowing that my mom is one of the few sexy hot moms!
We don’t have the same fashion statement. .
But I love when you try to cope up with my vibe. .
You look better than any other mom!
With or without your pustiso!
I know I made fun of your ngipin!. . haha
But. .honestly. .
You'll always look beautiful in my eyes (kanta yan shet)
You’re still the campus heartthrob that papa fell inlove with
I would always envy how much you and papa have been perfect for each other
If you weren’t that beautiful . .
You wouldn’t have kids like us. .
If you weren’t beautiful . .
I wouldn’t look beautiful too when I reached the same age as you are now
cause you are the picture of the “future me”. .
A picture of a succesful , happy mother!
That’s why I cant wait to be in your shoes!
cant wait to have kids of my own, to pass on the love you had given us
you are my inspiration!









. .I skipped some lines kasi super haba niya!. . 3 pages font 12



I'll paste na lang some lines na iniyakan niya!



haha oo umiyak siya



3am,sunday morning



ginising ko siya. .



binasa ko tong buong letter



so ito nga yung mga linyang nagpaluha sakanya












"Im just lucky that I can kiss you gudmorning goodnyt, goodbye each day"


cause not all kids have thier moms 24/7











"You share our passion and listen to everything as long as you got ears!"






If there’s some reason why I still believe in love. .
It is because you showed love more real than anyone had!
There is no better love than mothers love









"You know why I keep on trying to be the best kid as possible. .
Cause I got the best mom on the whole world dats y!!. .
"






Never stop loving me. .
Cause I really love you mom!
And thank you for loving us this much
I love you
I love you mama



Friday, May 8, 2009

Finally. this one's for you besteee!

Clarisse. . .

Yup . . you are bloggable dear. .

Hndi ko isususlat kung ganu ko kinaiinisan ang mala dyosa mong boses at ang panalong panalo mong kulot. .

Wag na rin natin isama ang mga kahanga hanga mu pang kagalingan. . at kung ganu kita ka idolo sa maraming bagay. .
Pero hndi na ikaw ngayon eh. . si caresse na. .
Soreee

I mis our long walks to park and ride
I mis all your complains and all your super looong story
(saradong detalyado!)
I mis our lunch at rob ermita
I mis ur noodles with laing
I mis all ur white lies
Your high tone voice when ur making palusot
Your eyes that cant hide secrets. .bistado kung bistado!

I mis u dear. .

Hndi ko na alam ang fave mung kainin every lunch. .
Dati lagi mu kong ginagaya eh. . either takuyaki,donut or soft serve lang yan
Mga napanoodd mo at lahat ng pinakikingan mo!
Alam ko yan lahat!
Kung hndi mo isesend sakin ung link. .
Sigurado ipapa-alala mu sakin yan ng ikapang labing pitongput beses para lang ma alala ko
Kabisado natin ang bago sa rob!. . .
At kaliangan tlgang matikaman ang lahat ng bagong ka-aya-ayang kainin!

Updated ako sa kwento mo
s kwento ng kaibigan mu
sa kwento ng kaibigan ng kaibigan mo
sa kwento ng kakilala mu
at sa kwento ng di mu kakilala

dati. .
before ka palang magpost sa blog mu . .
alam ko na. .
(mostly lahat yun napagusapan natin tapoz iblo-blog mu)

Siya lang ata ang nakakausap ko sa mga walang ka-kwenta-kwentang bagay
Magte-telepono kami pero iba nman ginagawa namin . .
Hndi tlga kami naguusap. .
Nagsha-share lang ng insights . .
Ang naguusap kasi may conversation . .
May tiga salita, may tiga sagot
Kami kwento lang ng kwento. .
Pero naiitindihan ko tlga. .

Isa na siya systema ko. .
Siya ang siko ko .
Hndi man makitang anjan. . pero anjan. .
May siko ako,pero hndi ko Makita siko ko. . .
(ok hndi system ang siko. . part siya ng katawan)

May sense yun promise


We’re not getting any younger. .
You learn much about life and some other stuff. .
You begin to care about others
You begin to call your kakilalas as friends!
You even phone ur pals to catch up and make chikas

I just miss you best friend
Were from different planeta!
Im venus your Aphrodite . .both goddess of beauty from the opposing troops
Completely opposite but in some wierd way. .THE SAME

OUR FRIENDSHIP DOESN’T NEED YEARS TO MEASURE HOW FAR WE’VE GONE THRU


Friend been missing u badly.. .
Soobrah. .
At kagulat-gulat na 2 pahina itong blog ko ah!
Ocya. . tapos na aking drama ok na ako
hahahahahaha

Monday, May 4, 2009

alta presyon!

Ako yung taong kahit sabihan mung hantayin ang tinanim mung buto ng manok tubuan ng aratilis ay hindi mapapagod magdilig hangang ako ay magka-ugat!






minsan lang tlaga ako mainis
at hndi madalas ang minsan sakin
mahaba ang pasensya ko
pero hndi ibig sabihin, hndi na yun nauubos





kapag galit ako galit tlga
wag mung asahan makakausap mo pa ako ng matino
hndi ako masalita pero kung gusto mung simulan ko,
taena bukas pa tau matatapos
sa pulis ka magreklamo wag sakin!
kung hirap ka. .
humanap ka ng madali. .
hindi ako nabibili ng regalo
hndi ako nadadaan sa iyak





ni minsan hndi ako nanumbat
wala kang narinig sakin





Sunday, April 19, 2009

An hour before im off to school . .

ayoko lang tlga pumasok=(
seryoso nakakalungkot

hush hush part 2

Sabi ko nga. .sinusuportahan ko ang same sex relationship
“Love is boundless and doesn’t sees no age nor gender”

Nung sinabi nga sakin ni “fren” na isa siya sa mga special cases
Hindi ko talaga alam ang sasabihin

napaka-posesive kong tao
Gusto ko akin ka lang!
Nakaramdam ako ng pag-katraydor at konting selos.
Inis dahil matagal na pala yun pero wala daw siyang lakas ng loob para sabihin
Takot kasi pakiramdam ko mag-isa nalang ulit ako

Isa siya sa taong hindi ko kakayanin mawala
Nung plinano niyang lumipat ng eskewelahan ay hindi niya nagawa dahil sakin
Sakanya ko inamin na takot akong iniiwanan
Si ate lang at siya ang sinabihan ko nun
Sinabi ko, “kapag alam kong iiwan na ako, uunahan ko na”

Yun nga ang ugat kung bakit inaway ko si ate nung alam kong nagiging seryoso na siya sa boyfriend niya, na ngayon ay fiancée niya na.
Sinabi ko pa sakanya “tangap kong wala ka na”
Masyado ko lang mahal yung ate kong yun kaya hndi ko talaga matangap na inagaw siya sakin nung halimaw na yun!
Sinabi ko pa nga
“ libang walong taon kaming namumuhay na wala ka! Bakit dumating ka pa!”
pero ngayon ay hndi na makitid ang utak ko at nagka-ayos na kami ni ate

Bumalik na tayo dun sa kaibigan ko. .

Dati ay halos mag-away pa kami dahil dun sa napag-usapan namin na kaibigan niya na umamin na hndi mawaring nahulog sa katulad niyang babae

Sabi niya sakin “kung ikaw ang naging kaibigan niya, susuportahan mu ba siya”
Paraang ako . .
“anu naman parehas silang tao, nagkataon lang parehas mahaba ang buhok nila at linalabasan ng menstruation . . ANU NAMAN!. . wla tlga akong paki-elam kung ano, sino at bakit!! Nakita mu ba ang nakita niya!”
dun ba masasabi na immoral na yung mga taong yun!

Matagal ko ng hinanda ang sarili ko sa posibilidad na mahanap na nga niya si “the one”

Ilang tao na rin ang nalagpasan namin, ilang babae ang nagwasak ng kanyang dadamin, at ilang lalake na rin at nagpaiyak sakin.
Pero masyado na akong segurado na kahit anong mangyari, sa huli kaming dalawa pa rin ang magkasama

Nung minsan, sa isang normal na usapan, nasabi niya. .

Him: Jen may napanood akong mag-bestfriends sa show ni lucy tores
Me: Oh so. .ako nanamn na-alala mo!
Him: Pwedeng ako muna magsasalita!

Tumahimik ako, natakot ako, masayadong authoritive ang boses niya eh

Him: after 6-20 yrs . .. sila din nagkatuluyan

Nakakamatay na katahimikan at napa bulas-las ako

Me: walang imposibleng mangyari! Malay mu. .
Him: malay mu. .
Me: after 6 years. . matanda na ako nun
Him: ako din
Me: pag wla na tlga
Him: baka tayo na nga!hahahahaha
Me: cge usapan yan, after 6 years at parehas tayong ‘single and ready to mingle’ Tayo na lang!
Him: OO! Kung may nahanap ka na magpa-pari nalang ako
Me: ako mag-iibang bansa!
Him: After 6 years. .
Me: After 6 years!
Wala na nga. .
Masaya naman talaga ako. .
Lagi kong sinasabi masyado siyang “tama” para ibasura lang ng ganun!
Tanga na ang hndi makakita nun!
Ngayon nga at may naka-kita na ng mga bagay na nakita ko sakanya,
Mejo nanginig ang katawan ko
Hndi ko lang matangap na mawawalan nanamn ako

Pero alam ko kung ganu kahirap ang pinagda-daan niya
Hndi niya pwedeng sabihin yun lalo na’t sa curso namin
Malaking bagay ang pagiging macho samin
Malaman lang na ka-kaiba ka sa nakakarami ay huhusgahan ka na

Hndi ko rin alam kung anu magiging reaction ng magulang niya lalo na ng tatay niya
Hindi sila mag kasundo ng tatay niya
Noon pa may ay may naitatago na siyang galit dito
Lagi niyang sinasabi na kaya niyang tumayong lalake sa dalawang pinaka mamahal niyang babae sa buhay niya(ate niya at mama niya)
Kahit wala pa raw ang tatay niya

Kung anu man ang manyari, mahal ko siya kahit hndi ko ito masyadong maipakita
Siya lang nakikinig sa lahat ng reklamo ko
Siya lang ang walang sawang buma-balik kahit ilang beses ko na siya pinagtatabuyan
Madrama man siya at napaka-iresponsable
Siya pa rin!!kakaiba ang kung anong meron kami. .
Alam niyang kayo kong gumawa ng imposible para sakanya
Kahit anong mangyari siya pa rin ang kaibigan ko sa simula’t-hangang huli


Hush hush part 1

Before palang, hndi na ako against sa same sex relationship.

Yung tito ko (kapatid ng tatay ko) thou hindi niya formally sinasabi or pinapaalam.
More than 15 years na siyang asa states living with ‘someone’. . .
Ayaw siyang tanungin ni papa, or kahit sino sa family namin about sa thing about kay someone. .
pero kung anung meron,yun na yun!
Isa siyang mabuting anak sa lola ko
Yung house na tinitirhan nila tita and lola ay all expense paid by tito

Naging american citizen siya dahil nag pa-fix marriage siya sa kababata niyang kapit bahay namin

Isa to sa mga secretong malupit ng pamilya namin
Nalaman lang namin yung fix marriage last yr, at hndi namin pinaalam ke papa na alam na namin.
Kami ni mama at ni ate ang nakaka-alam sa kwentong ito
Hindi rin namin cgurado kung alam yun ni papa, ang alam namin na nakaka-alam pa nito ay si lola at yung isa pa namin na kapit bahay na family fren din namin na siyang nagsabi ng bagay nay un.

Naging secreto nga ang kasal,
At kung panu sila nagkahiwalay at isa din misteryo
Parehas naman silang successful, pero worlds apart tlga.

Yung 1st wife niya ay naging head ng all international trips from US to any part of the globe.
Bongga siya
Dahil libre nga siya sa kahit anong klaseng flight,
Halos lahat na ata ng parte ng mundo ay napuntahan niya
Pero hndi na nga siya ulit nag-asawa
Sa kanyang desisyon na maging malaya at maka-kilala ng ibat ibang tao ang isa sa kadahilanan ng hndi pagtagal ng isang relasyon sa kanya
Lagi nalang kung kelan malapit na, ay siyang kailangan ng umalis
Hndi ko alam kung masaya siya sa kanyang ginagawa pero isa siya sa mga taong ayaw ng maging complicado ang buhay

Si tito ay isang doctor
Naka-bili na siya ng unit sa vivere towers filinvest
For rent siya at yun ang monthly allowance nila tita and lola
Bumili din siya ng isa pang unit sa serendra, maganda daw yun investment
Mejo siya na nga ang batayan ng ma-pera sa pamilya namin

Ang alam ng lahat ay isa siyang malungkot na doctor na nagtratrabaho sa ibang bansa mag isa. Ang hndi nila alam ay wala na siyang mahihiling pa dahil nakita na nga niya si “the other half” niya.
Kung anu man sila ay wala na kaming paki-elam
Masya na sila at matagal na silang namumuhay ng ganun
Meron silang bahay at isang alagang pusa na buhay princessa

Dun lang namin naintindihan kung bakit tuwing uuwi si tita (kapit bahay namin) lagi kaming may pasalubong! At sobrang big time tlga! Maglu-lunch out kami together with their family tapoz shopping galore pa!
Akala namin dahil sa kinuha siyang ninang sa binyag ni jaz kaya siya sobrang attach sa family namin.

Matagal ko din pinag-iisipan ang bagay na ginawa ni tito
Isang mabuting tao si tita para humantong sa ganung desisyon
Hndi ko rin alam ang kwento sakanila ng kanyang lifetime partner
At kung bakit siya ang piniling makasama ng tiyo ko imbis na dun sa tiya ko
Ang alam ko lang parehas na silang masaya sa buhay nila
Pero hangang ngayon ay hdi pa rin sila muling nag-uusap