Sunday, April 19, 2009

hush hush part 2

Sabi ko nga. .sinusuportahan ko ang same sex relationship
“Love is boundless and doesn’t sees no age nor gender”

Nung sinabi nga sakin ni “fren” na isa siya sa mga special cases
Hindi ko talaga alam ang sasabihin

napaka-posesive kong tao
Gusto ko akin ka lang!
Nakaramdam ako ng pag-katraydor at konting selos.
Inis dahil matagal na pala yun pero wala daw siyang lakas ng loob para sabihin
Takot kasi pakiramdam ko mag-isa nalang ulit ako

Isa siya sa taong hindi ko kakayanin mawala
Nung plinano niyang lumipat ng eskewelahan ay hindi niya nagawa dahil sakin
Sakanya ko inamin na takot akong iniiwanan
Si ate lang at siya ang sinabihan ko nun
Sinabi ko, “kapag alam kong iiwan na ako, uunahan ko na”

Yun nga ang ugat kung bakit inaway ko si ate nung alam kong nagiging seryoso na siya sa boyfriend niya, na ngayon ay fiancée niya na.
Sinabi ko pa sakanya “tangap kong wala ka na”
Masyado ko lang mahal yung ate kong yun kaya hndi ko talaga matangap na inagaw siya sakin nung halimaw na yun!
Sinabi ko pa nga
“ libang walong taon kaming namumuhay na wala ka! Bakit dumating ka pa!”
pero ngayon ay hndi na makitid ang utak ko at nagka-ayos na kami ni ate

Bumalik na tayo dun sa kaibigan ko. .

Dati ay halos mag-away pa kami dahil dun sa napag-usapan namin na kaibigan niya na umamin na hndi mawaring nahulog sa katulad niyang babae

Sabi niya sakin “kung ikaw ang naging kaibigan niya, susuportahan mu ba siya”
Paraang ako . .
“anu naman parehas silang tao, nagkataon lang parehas mahaba ang buhok nila at linalabasan ng menstruation . . ANU NAMAN!. . wla tlga akong paki-elam kung ano, sino at bakit!! Nakita mu ba ang nakita niya!”
dun ba masasabi na immoral na yung mga taong yun!

Matagal ko ng hinanda ang sarili ko sa posibilidad na mahanap na nga niya si “the one”

Ilang tao na rin ang nalagpasan namin, ilang babae ang nagwasak ng kanyang dadamin, at ilang lalake na rin at nagpaiyak sakin.
Pero masyado na akong segurado na kahit anong mangyari, sa huli kaming dalawa pa rin ang magkasama

Nung minsan, sa isang normal na usapan, nasabi niya. .

Him: Jen may napanood akong mag-bestfriends sa show ni lucy tores
Me: Oh so. .ako nanamn na-alala mo!
Him: Pwedeng ako muna magsasalita!

Tumahimik ako, natakot ako, masayadong authoritive ang boses niya eh

Him: after 6-20 yrs . .. sila din nagkatuluyan

Nakakamatay na katahimikan at napa bulas-las ako

Me: walang imposibleng mangyari! Malay mu. .
Him: malay mu. .
Me: after 6 years. . matanda na ako nun
Him: ako din
Me: pag wla na tlga
Him: baka tayo na nga!hahahahaha
Me: cge usapan yan, after 6 years at parehas tayong ‘single and ready to mingle’ Tayo na lang!
Him: OO! Kung may nahanap ka na magpa-pari nalang ako
Me: ako mag-iibang bansa!
Him: After 6 years. .
Me: After 6 years!
Wala na nga. .
Masaya naman talaga ako. .
Lagi kong sinasabi masyado siyang “tama” para ibasura lang ng ganun!
Tanga na ang hndi makakita nun!
Ngayon nga at may naka-kita na ng mga bagay na nakita ko sakanya,
Mejo nanginig ang katawan ko
Hndi ko lang matangap na mawawalan nanamn ako

Pero alam ko kung ganu kahirap ang pinagda-daan niya
Hndi niya pwedeng sabihin yun lalo na’t sa curso namin
Malaking bagay ang pagiging macho samin
Malaman lang na ka-kaiba ka sa nakakarami ay huhusgahan ka na

Hndi ko rin alam kung anu magiging reaction ng magulang niya lalo na ng tatay niya
Hindi sila mag kasundo ng tatay niya
Noon pa may ay may naitatago na siyang galit dito
Lagi niyang sinasabi na kaya niyang tumayong lalake sa dalawang pinaka mamahal niyang babae sa buhay niya(ate niya at mama niya)
Kahit wala pa raw ang tatay niya

Kung anu man ang manyari, mahal ko siya kahit hndi ko ito masyadong maipakita
Siya lang nakikinig sa lahat ng reklamo ko
Siya lang ang walang sawang buma-balik kahit ilang beses ko na siya pinagtatabuyan
Madrama man siya at napaka-iresponsable
Siya pa rin!!kakaiba ang kung anong meron kami. .
Alam niyang kayo kong gumawa ng imposible para sakanya
Kahit anong mangyari siya pa rin ang kaibigan ko sa simula’t-hangang huli


No comments:

Post a Comment