Tuesday, April 7, 2009

Cooking with Ina ko

Wala akong hilig sa pagluluto. . gusto ko lang nanonood sa lifestyle channel kung gano kagaling sila rachel ray pati Ellie Kreiger at kung sino pang sikat dun.

Nung minsan kasi my ka-artehan sila mama at papa na nag resulta sa hndi pag uwi ni mama ng isang araw. .

Walang ibang marunong magluto.
Marunong lang ako magsaing pati mag-pritos
Magaling akong magbukas ng delata. .
Kaya mejo may potential na akong maging masaya sa buhay ko ng namumuhay sa kokonting nalalaman ko.

Paminsan gumagawa ako ng Pasta pati ng Quesadillas pero hndi madalas ang minsan sakin! Pero mejo campanti naman ako sa pasta at quesadillas ko, yun lang ang kaya kong ipagmalaki eh

Kahapon tinuruan ako ni mama magtimpla ng hamburger-pattie.
Bibilugin mu lang ang tinimplahan mung karne tapoz ipri-prito mo siya “deepfried” kundi didikit ung karne
Walang kahirap hirap
Ung iba nga eh ginawa ko ng lumpia pang dinner nila. . Ibabalot lang sa lumpia wrapper. . hayun tapoz na

Pero kaninahndi biro ang aking pakikipagsapalaran sa kusina! ( hair raising)
Nagluto si mama ng “bistek” . .
Ako ang pinagluto niya ng gulay
Hindi biro ang magbalat ng Kalabasa! . .
Ang kapal pala ng balat nun at matigas pa
Manghihiwa ka din ng okra, talong pati yung kulay green. . nakalimutan ko na tawag dun


Mejo pinaghiwa ako ng maraming sibuyas . . dahil bistek nga ang linuto ni mama
Konti palang ay naiiyak na ako
Sinuotan ako ni mama ng apron




<----Humingi ako ng goggles
<----Nalulunod na kasi ako sa luhA Sinipat kong mabuti ang bawat gayat. .







Nagmukha na sanang tama ang ginagawa ko, linagyan ko ng bagoong pati ng onting alamang

Akala ko kasi ay Pinakbet ang ginagawa ko. . yun pala eh lalagayan ng gata!
Hindi ko alam ang ginawang milagro ni mama pero naging ok pa din naman ang lasa

Ang moral value ay wag mag marunong. .
wag masyadong maraming alam
"what i know is i know nothing"
nakalimutan ko nanamn kung sino nagsabi nun pero sikat siya


may patutunguhan tlga yun mahirap lang talagang palawakin. . hayaan na nating ganyan yan

No comments:

Post a Comment