Hndi nga natuloy ang 1st day ko sa school kasi umiyak ako,
nung pangalawang araw sinamahan ako ni mama, may nakilala siyang nanay,
Hayun pinakilala niya ako dun sa anak niya.
Madaldal ang anak niya at napaka daling kasama.
Mahilig siya kay
barney at siya ang nagturo sakin ng kantang
“ I love u, u love me” lagi kaming magkasama, ako ang sidekick niya, kaya kami nagging kilala ng tao dahil siya ay maganda at matalino, nadadala lang niya ako.

Nung haloween party pa nga ang suot ko ay
evil witch, siya ay
nakapang-hula.
Simula nun nagging madaldal na ako! Lagi naisusulat ang pangalan naming sa board as “noisy”. Favorite na kami ni
teacher Jo, kasi nga ang kukulit namin.
Tinawag akong
ms grasshopper, dahil nga napakagaslaw ko, siya naman si
ms spider, hndi ko alam kung bakit. Nung swimming day, parehas naming dinala nanay namin,naki swimming pa sila samin.naging magbestfriend na din sila.
Nung last day namin nung nursery, nakuha niya ang best in math,best in science best in English, pati ang best in language
hndi niya nakuha ang best in Filipino. Ang nakuha ko ay best in dancing pati ang most cheerful. Bale samin dalawa lang napunta ang lahat ng awards, except yung best in Filipino.
Nung kinder na kami, ipinalipat pa siya ng nanay niya sa section ko para lang magkasama kami, pero hndi na-aprubahan Pero ok lang yun lagi siyang katamabay sa classroom ko, bsta pagkatapoz ng isang subj kwekwentuhan niya ako at tuturuan ng mga bagay na hndi ko maintindihan.
Nung minsan my umaaway skanya na lalake. .ginawa ko nung recess namin kinuha ko yung
zest-o kong juice tinusukan ko ng straw at yun ibunhos ko sa buhok niya! IYAK SIYA!. . siya ang pinaka bully na lalake noon pero napaiyak ko sa hapdi ng orange juice na pumasok sa mata niya!
Noon naman my nang asar sakin na babae, sabi niya ang pangit ko daw magcolor, kinausap niya, hndi ko alam ang sinabi niya pero nagsumbong sa teacher yung bata. Pinatawag kami ng adviser ko at kinausap kami. Parehas kami ng crush pero hndi ko yun inamin sakanya.
Nung minsan magkasama kami sa bahay nila, sinabi niya sakin,
wag daw akong malulungkot. Hndi niya na tinapos. Nakita ko nalang umiiyak yung nanay ko sa baba. Tinanong ko kung bakit, sabi niya pupunta na daw sila ng states. .Noon hndi ko pa alam ang statets. Dati kasi sabi ng nanay niya pupunta lang sila ng towncenter, malapit lang yun, akala ko ganun lang din yun. Hndi ko alam na un na pala ang huli.
Wala man lang kaming “moment of sadness” ung tipong iiyakan ko siya dahil aalis na siya. Pero nalulungkot tlga ako dahil lagi siya nagpapdala ng picture niya sa kung saan san, at nung nag prep ako hndi ko na siya kasama. Naging tahimik na ulit ako.
Ngayon ay hndi ko na alam ang nangyayari sakanila, natigil ang sulatan namin nung grade 3 na ako. . lumipat kasi sila. Kahit na hirap ako magenglish na magenglish dati sa telepono ay in-english ko siya. . best in language pa naman siya!. Pati ang magsulat dati ay hirap ako, siya ay maganda magsulat, ako ay parang sulat dinosaur. Pero iniintidi namn niya. .Siya ang sumunod sa ate kong mala dyosa na tinuturing magagandang tao sa buhay ni ugly duckling